NEWS
Timing
Starstruck 3 darating na
ROWENA AGILADA
EXCITED na ang fans ng Starstruck 1 and 2 Final Four sa forthcoming movie project ng mga ito. Next month ay ipalalabas na ng GMA Films ang “Lovestruck” starring Jennylyn Mercado, Mark Herras, Rainier Castillo, and Yasmien Kurdi (SS1) together with SS2’s Mike Tan, Ryza Cenon, CJ Muere, and LJ Reyes. Kasama rin ang ibang SS 1 and 2 Avengers. May special participation si Jolina Magdangal bilang “love fairy.”
Si Louie Ignacio ang director na wish lang ng ibang fans, sana raw ay si direk Mac Alejandre na lang ang megger ng “Lovestruck.” Subok na raw kasi ang pagiging box-office director nito. O, di kaya naman, sana raw ay si direk Joey Reyes. Pang-TV at MTV lang daw si direk Louie, ayon sa ibang fans. Intrigahin ba ang tatlong director?
May isa pang intriga. Bakit daw isiningit pa si Jolina? Anyway, balitang itatapat ang “Lovestruck” sa “All about Love” ng Star Cinema na tampok naman sina John Lloyd Cruz, Bea Alonzo, Angelica Panganiban, Jason Abalos, Anne Curtis at Luis Manzano. Trilogy naman ito tungkol sa iba’t ibang love story ng tatlong pareha.
Kapag nagkataon, magandang salpu-kan sa takilya ang dalawang pelikula.
Starstruck 3
Nagkaroon ng iba’t ibang reaction ang balitang magkakaroon ng Starstruck 3 ang GMA-7 at gaganapin ang launching nito on Sunday (Aug. 14) sa “SOP Rules!” Hindi pa nga raw gaanong sumisikat si Ryza Cenon (Starstruck 2 Ultimate Survivor), eh, hayan at may Starstruck 3 na. Mas sikat pa nga raw si LJ Reyes. Sana raw ay ito na lang ang pinapanalo, ayon sa ilang fans.
Si Rainier Castillo naman ng Starstruck 1 ay hindi pa gaanong established ang career, same with Yasmien Kurdi. Mas marami pa nga raw projects si Nadine Samonte kesa sa kanya.
’Yung ibang Starstruck 1 and 2 Avengers ay iilan lang ang nabibigyan ng trabaho. What more raw kung may Starstruck 3 na? The more, the merrier ang reaction naman ng iba.
In any case, watch na lang ang launching ng Starstruck 3 on Sunday sa “SOP Rules!” Abangan din ang announcement ng GMA kung sino ang magiging hosts nito.
Kung may Starstruck 3, magkakaroon din ng Star Circle Quest Season 3 ang ABS-CBN. Pero ano na bang nangyari sa career ng Star Circle Questor 1 na si Hero Ange-les? What about Erich Gonzales na SCQ 2?
***
Sa teaser ng bagong handog ng GMA Films na Lovestruck, tila hilong-talilong si Jennylyn Mercado kina Mark Herras at Mike Tan.
Hayun nga’t nahulog siya sa kabayong sakay niya sa carousel. Ito ba ay dala ng hilo sa bilis ng ikot ng carousel o lubos na pagkalito sa dalawang binata na nakatanaw sa kanya?
Sa pelikulang Lovestruck, si Denise (Jennylyn Mercado) isang dalagang naghahanap ng tunay na pag-ibig.
Matalik na kaibigan ni Denise si Caloy (Mark Herras) pero makikilala niya si Jason (Mike Tan) na mapapalapit sa kanya nang husto at kahuhulugan niya ng loob.
Gagawin ni Denise ang lahat para mahulog din ang loob ni Jason sa kanya.
Ano kaya ang masasabi ng napapabalitang nobya ni Mike Tan na si LJ Reyes, na kasama rin sa Lovestruck bilang si Sophia?
***

0 Comments:
Post a Comment
<< Home