Dondon Sermino
NAKAKATUWA ang e-mail ni Robbie Villaruel teeveefanatic05@yahoo. com.ph., at masasabi kong interesting ang kanyang mga pinagsasabi tungkol sa mga artista ng Viva Films at Regal Films.
Kung aanalisahin mo, parang taga-showbiz din si Robbie, dahil alam na alam niya na noong August ay nag-celebrate ng kanyang anibersaryo ang Regal Films. At sa Nobyembre naman ay magdaraos din ng anibersaryo ang Viva Films.
Hinihiling ni Robbie na sana ay maglabas kami ng special feature tungkol sa mga artista ng dalawang malaking kumpanya ng pelikula.
Ikinumpara ni Robbie ang Regal at Viva sa LVN at Sampaguita noong araw, na pareho nga raw na nakapagprodyus ng stable of talents, na ang kinang ng pagiging artista nila ay patuloy na kumikinang at nagbigay ng marka sa entertainment industry.
Sabi pa rin ni Robbie, ang Regal Films ang nag-introduce sa showbiz ng salitang Regal Baby, samantalang ang Viva Films naman ang nagpauso ng salitang Viva Bagets.
Nagbigay rin ng sariling listahan si Robbie ng mga artista na pinaniniwalaan niyang nangunguna talaga ngayon, at mangunguna pa sa mga darating na araw.
Narito ang listahan ni Robbie:
Mula sa Regal Films, kinilala niya si Maricel Soriano bilang reyna ng Regal.
Sina Judy Ann Santos at Kris Aquino naman ang sinabi niyang mga Box-Office Stars.
Dapat daw kilalaning Drama Divas sina Dina Bonnevie, Snooky Serna at Janice de Belen. Samantalang dapat namang kilalaning Drama King sina Aga Muhlach, Richard Gomez at Gabby Concepcion (pero nasaan na si Gabby ngayon).
Versatile Performers naman ang tawag niya kina Aiko Melendez, Carmina Villaroel, Ruffa Gutierrez, Alice Dixson at Maricel Laxa. Samantalang Comedy Princes naman ang tingin niya kina Roderick Paulate, Joey Marquez at Anjo Yllana.
Dapat daw kilalanin ang pagiging Sex Sirens nina Ara Mina at Aubrey Miles. At Teen Superstars naman sina Richard Gutierrez, Angel Locsin, Jennylyn Mercado at Mark Herras.
Pero, bakit kaya hanggang ngayon ay Child Wonders pa rin ang tingin niya kina Manilyn Reynes at Aiza Seguerra? Dahil hindi ba lumaki ang dalawa kahit tumanda na sila?

0 Comments:
Post a Comment
<< Home